Quantcast
Channel: OFWWatch.com | Site Wide Activity
Viewing all articles
Browse latest Browse all 307

Lola Abrera Caregiver: OFW na pwede i-interview Hello, […]

$
0
0

OFW na pwede i-interview

Hello, naghahanap po ako ng mga OFWs na gusto mag-mag appear sa film project. Ako po ay si Lola Abrera at ako ay isang istudyante sa Freie Universitat Berlin. Yun concept ko po ay gumawa ng Skype interviews na magiging parang video diary—each story represents a “virtual Balikbayan box”. Hindi siya magiging ordinary interview na Q&A, pero para pong iba-ibang moments and reflections sa buhay ng isang OFW. So, ang isang participant ay may 5 minutes (habang naka Skype sa akin) na ikwento ang istorya niya.
Example questions/moments:
1) Nag-po post ang OFW or tumitingin sa Facebook – habang nag po-post siya, kinukwento niya ano ang iniisip niya. Ano ang pumapasok sa isip niya habang tumitingin ng Facebook photos
2) Pwede din mag answer ng iba-ibang sample questions:
ex. “Ano yun naiisip mo nung una kang nakasakay sa aeroplano?”; “Paano mo nakikita ang sarili mo?”; “Ano ang paburito mong na-experience habang nasa abroad ka?”; “Ano ang pinakamasakit na memory na experience mo habang nandoon ka?”; "Ano ang isang bagay / tao na mi-miss mo sa Pilipinas?"
Ang mga hinahanap ko pang participants ay:
1) Babaeng OFW
2) OFW na naging OFW for 10 years or more
3) Nagtratrabaho as: domestic worker, caregiver, yaya/nanny, seafarer /nagtratrabaho sa crew
Ang mga Skype videos ay isasama sa aking film project at ilalagay ko din sa isang Facebook page na para sa project—para ma-view din ng mga pamilya at kaibigan ninyo. Eto po yun Facebook page: https://www.facebook.com/virtualbalikbayanbox. Pwede niyo po ako i-contact: mlabrera@yahoo.com O sa Facebook (https://www.facebook.com/michalola) Salamat po!

Comments: 0


Viewing all articles
Browse latest Browse all 307

Trending Articles